“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang
isda’’, ito ang katagang iniwan ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose
Rizal. Nangangahulugan lamang ito na bilang mga Filipino ay dapat na mahalin at
pahalagahan natin ang Wikang Filipino.
Kung ihahanay sa mga wika ng ibang
bansa ay hindi naman pahuhuli ang sariling atin. Bukod sa pambansang wika Filipino
ay nakahanay ang humigit kumulang 400
diyalekto mula sa iba’t ibang rehiyon at
lalawigan na kung iyong mapakikinggan ay mamamangha ka dahil sa sariling kakayahan
ng bawat isa. May sariling tono,
pagpapakahulugan at paraan ng pagbigkas. Tunay na maipagmamalaki mo na ikaw ay
isang Filipino dahil sa yaman ng ating bokabularyo . Sabihin pa ang mga bagong
likhang salita sa makabagong panahon na nagpapatunay ng pagiging buhay at daynamiko
ng wika .
Kaya’t kung susubukin mong tangkilikin
ang ibang wika , lingunin mo muna ang wika mo at isipin na sa libong wika sa mundo
nakahihigit pa rin ang Filipino. Ito ang ating pagkakakilanlan at ang diwa ng
pagiging tunay na Filipino.