Wednesday, September 5, 2012

Ang Guro sa Makabagong Panahon

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang responsibilidad na ginagampanan ng guro sa edukasyon ng mag-aaral,maging ito man ay elementarya, sekondarya at maging tersyarya. Ang guro ng nagsisilbing tagapagpadaloy ng kaalaman sa mga mag-aaral at nagbibigay ng kaalamang magagamit sa tunay na buhay.

Isa sa makatutulong sa paglago ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay kung mayroon  silang isang gurong aakay sa kanila sa pag-abot sa kanilang pangarap.Isang gurong magbibigay sa kanila ng walang kondisyong pag-aalaga at pagmamahal at gurong handang umaagapay ng walang hinihinging kapalit at gurong punong-puno ng kaalaman.

Upang makamit ang mga pangangailangan ng mga mag-aral, marapat lamang na bigyan din sila ng katumbas na pagtulong. Kung hindi  man pera maaaring pagbibigay sa kanila ng di matatawarang kaalaman. Ang pagpapadala sa seminar ay isang malaking tulong upang mas mapaunlad nila ang kanilang kakayahan. Ito ang huhubog sa kanila upang makapagsabayan sa makabagong panahon. Panahon na gumagamit ng mga makabagong teknolohiya sa pang-araw-araw at maging sa pagtuturo. Dapat hindi lang mag-aaral ang may kaalaman sa tekonolohiya, dapat kasama rin ang mga guro.

Kung kaalaman ang pag-uusapan, marapat lamang na magsagawa ng training sa mga guro para mas mapahusay sila sa kanilang propesyon. Ang mga kahilingang iyon ay nasolusyunan ng dumating ang URS EXCITE PROGRAM (Enhancement and eXpansion of Capability in Information Technology and English). Di lamang ito nakapokus sa English kundi maging sa Information Technology. 

Sa pamamagitan ng training na ito, higit na mapapadali ang trabaho ng guro sa paggawa ng class record, computation, grap, logic, blog at iba pa. Masasabi ng guro na "IN" na ako sa makabagong panahon at ako na ang guro sa makabagong panahon.

No comments:

Post a Comment