Thursday, September 6, 2012

MABUHAY....URS EXCITE PROGRAM

    Bilang isang guro, tayo ay ipinapadala sa samu't saring mga seminar/training upang mas humusay pa sa ating propesyon.Nariyan iyong ipadala ka sa iba't ibang bahagi ng bansa, sa luzon, sa visayas at sa mindanao. Bawat training o seminar ay may aral na ibinibigay sa atin. Marami rin tayong nakikilala at nakakasalamuha. Sa una ay medyo mahiyain hanggang sa dumating ang puntong halos lahat ay magkakakilala na. Di rin mawawala ang  biruan at tawanan na mas nakapagpapasaya sa grupo. Marami ring kwento ang maririnig mula sa iba't ibang paaralan na pinagmulan. Mga kwentong babaunin mo sa iyong pagbalik sa paaralang tinuturuan.



         Sa mga seminar/training na aking nadaluhan, isa siguro ang URS EXCITE o Enhancement and eXpansion of Capability in Information Technology and English sa mga hindi ko makalilimutan. Mula unang araw hanggang huling araw ay talagang kakaiba. Hindi kakikitaan ang mga dumalo ng pagkainip at mapapansin din ang oras na parang tumatakbo. Ang lahat ay busy at isinasapuso ang itinuturo ng mga trainor. Para silang magulang na nag-aalaga at umaalalay sa kanilang mga anak. Mula sa simpleng bagay lalong lalo na sa komplikado. Di matatawaran ang kanilang kaalaman at tiyaga sa pag iisa isa ng mga gawa ng mga nagsasanay lalo na sina Ma'am Aileen, Miss Sydney at si Sir Neil John.SALAMAT NG MARAMI, AMING TRAINOR!!!




        Marami mang activity ang ibinigay, makakahabol ka rin dahil di lang mga trainor ang tutulong sa iyo kundi pati mga kasamahan mo sa pagsasanay. Makikita pa rin ang mga katangin ng mga Pilipino, ang pagiging matulungin. May mga pagkakataon na may kahirapan ang mga activity, nandyan pa rin sila para makuha mo step by step ang solusyon. May mga activity rin para mas makilala ang iba mong kasama

      Hindi ko  rin makakalimutan ang ilang taong naging malapit sa akin.Sina Ma'am Erlyn, si Sir Jayson na laging nagpapatawa, Ma'am Myla, sina Ma'am Nerie at Ma'am Cathy na lagi kong kasabay sa pagkain. Nakasama ko rin sina Ma'am Ainy, Ma'am Maricel, Ma'am Liza, Ma'am Zosima. Ma'am Yamz, Ma'am Mary Jane, Sir Gem, Ma'am Tin2x,Ma'am She at marami pang iba.


    Sana ang mga ganitong makabuluhang pagsasanay ay lalong yumabong at ipagpatuloy. Hindi lamang kaalaman ang naibibigay kundi maging bagong kaibigan. Sana ay maranasan rin ito ng mga guro hindi lang sa amin paaralan kundi pati sa ibang rehiyon.MABUHAY...BATCH 41....MABUHAY....EXCITE PROGRAM!!!


No comments:

Post a Comment