Thursday, September 27, 2012

Guro,bayani nga ba?


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang selebrasyon ng World Teacher's Day na kung saan pinararangalan ang mga gurong walang sawang nagtuturo at gumagabay sa mga kabataan. Mga gurong walang hangad kundi matulungan at maabot ng kanilang mga mag-aaral ang kanilang pangarap.
Kaakibat ng pagiging guro ang mga di matapos tapos na suliranin. Nandyan iyong di madalas na pagpasok ng mga mag-aaral, mga mag-aaral na di nakukumpleto ang araw hanggat di naaasar ang kanilang guro, mga mag-aaral na parang tuod sa klase na kung di pa tawagin ay hindi kikibo, nandiyan din ang mga mag-aaral na makanti lang ang dulo ng buhok ay para ka nang nakapatay, nariyan din ang mga pinansyal na pangangailangan na karaniwan ng problema ng guro. Ilan lamang yan sa suliraning kinahaharap ng mga bayani, mga gurong bayani.
Masasabi rin bang bayani ang isang guro kung sinisira nila ang katauhan ng kanyang estudyante. Kung dinadala nila ang kanyang estudyante sa mundo na di dapat malaman ng kanilang mag-aaral. Hindi na bago sa atin ang relasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral. Di na rin tayo bago sa mga gurong gumagawa ng kalaswaan sa kanilang mag-aaral. Sila ba ang Bayani?
Nakakalungkot isipin na may mga gurong patuloy na dinadala sa maling landas ang kanilang mga mag-aaral. Mga gurong ginagamit ang kahinaan ng mga bata upang ito'y mapasunod at makuha ang gusto. Mga gurong parang walang pinagkatandaan.Mga gurong puro kamunduhan lamang ang iniisip.
Paano na lamang ang mga gurong walng ginagawa kundi gampanan ng marangal ang kanilang trabaho?Paano ang mga gurong maging sa bahay ay iniisip pa rin ang kanilang mga mag-aaral.Mga gurong itinuturing na mga anak ang kanilang mag-aaral. Nasisra ang mga pangalan ng guro dahil sa mga gurong puro sarili ang kanilang iniisip.
Shame on you!!!sa mga gurong sinisira ang pagka-inosente at pagkatao ng mga mag-aaral. Saludo ako sa mga gurong walang hinihinging kapalit upang magabayan ang kanilang mag-aaral. Lubos akong pinahahanga ng mga gurong handang magbigay ng oras para sa kanilang mag-aaral. Happy World Teacher's Day....ma'am at sir...

No comments:

Post a Comment